Pages

Monday, March 18, 2013

Ganito sila ngayon, ganito kami ngayon


Kasi po iba na talaga ang panahon ngayon at bitter na bitter ako, nais ko pong ipakita ang pagkakaiba ng elementarya at hayskul.

1.) Ang elem kung maka-donate sa binagyo, tig20-50 pesos. Heck kahit kinder, P20 ang binibigay! Ang high school P1-P5 lang. Minsan may tsingi pang 25 centavos. Ang makadonate ng P20 mayaman na. Ganun ang hayskul ee. Sa hindi maipaliwanag na kababalaghan, kumukonti ng kumukonti ang pera.

Alak? bisyo? sigarilyo? kahamalan sa pagkain? o sadyang dahil lang sa joyride? Kadalasan, di umano, ayon sa aking mga kaklase at kaibigan, ito ay dahil sa tumpok tumpok na proyekto at photocopy ng notes sa paaralan. O edi lusot kay inay at itay? Malamang. Mahal kaya kami nun :D

2.) Ang elem de-iphone iphone, de-ipad ipad. Sige lamunin niyo ang Apple niyo. Kaming high school, halos wala na ngang casing. Kung baga, skeleton nalang ang naiiwan. Ang nakakahiya pa, isang hulog lang, ay aba lumipad na ng Mars si battery, Venus si simpack at Jupiter si keypad.

Hindi pa iyan diyan natatapos, kung ang elem, may iphone na tig40K, kaming hayskul meron din no. Di nga lang tig40k. Yung P4,800 lang amin hihihi. Fan kami di umano ng Tsina ee.

3.) Jollibee, Chowking, Greenwitch, mayaman ka na. Jollibee 39ners, mayaman konti. Kadalasan, pastilan, kaldohan at batchoyan ang tambayan. P15, meron ka ng drinks at rice. Mahihirap eh. Kung hindi naman dun sa tatlo, burger, kwek kwek at fishball naman ang amin.

Ang elem naman, parating tig P75+ ang halaga ng pagkain. Nga nga ka naman sa baon mong P50 lang araw araw. Dagdagan mo pa ng projects, ano nalang ang naiwan?

Di baleng mukhang kaduda duda ang pinanggalingan, makakain lang? Madalas moto 'yan ng hayskul. Kung wala na talagang pera patikim tikim nalang sa may mga pagkain o di kaya humingi ng awa sa mga guro at tagabenta. Kapal no? Hindi ah! Survival of the fittest yan!

4.) Nakakatuwa yung elem na english ng english. Kung makamura pa minsan de-f*ck you f*ck you pa.    Ikaw dati, hanggang "pangit! pangit!" lang ang buga mo, okay na. Ngayon dapat may bitch bitch na. Sosyal!

...tapos naalala mo, nung elem ka, halos di ka nga makapag-ingles eh. Ayun, feeling mo ang bobo bobo mo tuloy. Dagdagan mo pa na kung maka-ingles ang elem american accent pa. Anong say ng accent mo teh?

Tameme ka tuloy. Kaya sa susunod, tandaan mo, huwag makipagtalastasan sa ingles sa elementarya. Araw-araw kayang nanunuod ng cartoons yun.

5.) Yung pinakamasakit sa lahat, grade 4 pa lang meh love life na. Eh ikaw? Ga-graduate ka nalang ng hayskul, ang lovelife zero pa rin. Langya!

Tapos kung makalakad ang elem, kung ikukumpara mo sa lakad mo, a la supermodel ang catwalk. Ikaw naman a la duck walk. Di pa yan natatapos sa duck walk. Meron pang duck face. Ako yun. Kaming hayskul yun. Talbog na talbog ng elem ang beauty namin. Araw araw silang maypulbos at suklay, minsan lipgloss lipgloss, lipbalm lipbalm, lipstick lipstick pa. Kami? Ni pabango wala nga. Haggard na haggard ang look hanggang sa puntong pati guro mo naawa na sa iyo kaya ayun, may volunteer na na tagadonate ng suklay mo para sana kahit bago ka man lang grumaduate, hindi na mukhang dinaanan ng bagyo ang buhok mo.

...Pero okay lang yan. Kung forever alone ka, ang katabi mo malamang forever alone din! Oh ayan oh, bagay kayo. Saya no?

Kung ganyan ka sa hayskul, ayon naman sa iba, masmahirap ang college. Takot ka na ba? Huwag kang matakot. Nakaya mo ngang makakain sa Chowking na nakikihingi lang sa pagkain ng mga kaibigan mo ano pa kaya sa kolehiyo. Dagdagan mo lang ng konti ang kapal ng mukha mo at tiwala lang na mayma-aawa sa iyo. Surely, susurvive ka din siguro ng kolehiyo. Malamang.

-


Ga-graduate na ako ng hayskul kaya syempre, dahil isa akong self-proclaimed journalist, ito ho ang tribute ko. Pagpasensyahan niyo po sana dahil hindi po talaga ako magaling magFilipino. Iba din ito sa usual style of writing ko.

2 comments:

  1. Thank you! :D Na-inspire gid ko didto sa gi-seminar ta sa Davao, tung media awareness...

    ReplyDelete